Paniqui, Tarlac hihigpitan ang pagbibigay ng passes | Taga Tarlac Update

"AKALA NIYO FIESTA?? PWES MAS LALONG MAG HIHIGPIT PO KAMI SA PAG BIBIGAY NG WORK PASS, TRAVEL PASS AT QUARANTINE PASS." Mayor's Secretary Benz Obcena.



via Municipality of Paniqui | Facebook




















Nag-babala ang Pamahalaan ng Paniqui, Tarlac dahil umano sa mga pasaway na mamamayan. Asahan raw ang mas humigpit na pagpapatupad ng bawal lumabas ng mga bahay at pag-kuha ng mga passes gaya ng work pass, travel pass, at quarantine pass. Ayon kay Mayor's Secretary Benz Obcena sa kanyang facebook account, "Sa mga indibidwal na nag-dedeliver ng mga pagkain o kahit anong supply o yunh mga online orders sa bayan bayan at bara-barangay ay hindi na rin po basta bastang pinahihintulutan ng walang paalam sa [kanilang] barangay, at sa Pamahalaang Bayan."

Kasama din ang mga kapulisan sa pag-hihigpit sa bawat barangay at checkpoints at control points.

Ang bayan ng Paniqui ay nagtala ng apat (4) na positibo sa COVID-19 at apat (4) din ang naka-recover na, ayon sa Provincial Government of Tarlac, May 20.

Comments

Popular posts from this blog

Catriona Gray Red Gown made by Kapampangan Designer

Nambalan River in Mayantoc, Tarlac is where you can find the undiscovered Paradise of Tarlac!

Mayor of Gerona, Tarlac pleased the family of Mary Ann Antalan not to accept financial settlement