24 hours lockdown in two baranggay in Concepcion, Tarlac after the report of additional COVID-19 case Mayor Lacson said;
Ayon kay Mayor Andy Lacson ng Concepcion, Tarlac, dalawang baranggay sa bayan ang mag-lolockdown ng 24 oras simula ngayong alas singko ng hapon, matapos ang report na lumabas ngayong araw na si Male 58 mula Brgy. Mabilog ay positibo sa COVID-19. Na-swabbed test si M58 noong April 22 pa at kakalabas lang ng resulta ngayong araw, June 8, 2020. Isa ang Baranggay Murcia at Mabilog sa mga baranggay na mag-lolockdown ng 24 oras ayon kay Mayor Andy sa kanyang facebook live session, dahil dito raw madalas mag-punta si M58 at para na din maisagawa ang contact tracing. Asymptomatic o walang sintomas ng COVID-19 si M58, pag-iingat naman ang paalala ng Alkalde. Walang papasok at lalabas upang mapadali ang pag-contact trace dahil umano maraming nakasalamuha ang COVID-!9 patient. | via Era Nunag